Vanessa's posts with tag: college

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag college
Blog EntryThe UP SurveyJan 16, '08 10:46 AM
for everyone

Student number?
2006-78044

College?
FA. Ah love it. ^o^

Ano ang course mo?
Fine Arts, major in Painting

Nag-shift ka ba o na-kick out?
Ito na course ko ever since.

Saan ka kumuha ng UPCAT? (Where did you take your entrance examination?)
MassComm. May aircon ang classroom 'nun, weehee.

Favorite GE (General Education) classes?
NatSci dahil puro lecture tulad ng gusto ko 8D at Art Stud 1 dahil interesting.

Favorite PE? 
Duckpin Bowling. o_o Masaya kapag nakakatama ng maraming pins, kahit puro chamba lang.

Saan ka nag-aabang ng hot guys/girls sa UP?
Sa mga GE classes, weehee. Sa tambayan din ng CSA, weehee!

Favorite Professors?
Josefina Agravante dahil magaling siya, kahit kinakabahan ako tuwing nagpapa-recite siya. Sa majors, si Roberto Feleo dahil malawak ang kaalaman niya sa materials, at si Jamel Obnamia dahil weird lang siya!

Least favorite GE (General Education) class?
Chem 1! Boring lecture pati report.

Did you sign up for Saturday classes?
Ah yap, Rifle Marksmanship na PE pati CWTS last sem. 8D

Nakapag-field trip ka ba?
Syempre. :D Geog 1 sa Banaue Rice Terraces, weehee! Art Stud 1 sa may Rizal at Laguna.

Naging CS ka na ba or US sa UP? 
Er, no. I blame my short attention span.

What Organization/Fraternity/Sorority were you a member of?
Still am. UP CSA, UP Haring Ibon.

Saan ka tumatambay palagi?
Sa Studio Arts na side sa FA, sa tambayan ng mga orgs, sa boarding house ng kaibigan kong si Lara na malapit sa KNL--haha!

Dorm, Boarding house, o Bahay?
Bahay, isang oras na biyahe papasok at isa pa pauwi. May Internet sa bahay e. 8D

Kung walang UPCAT test at malaya kang nakapili ng kurso mo sa UP, ano yun?
History ang ginugusto ko noon. 'Di hamak na mas gusto ko sa FA ano; sikat kami tuwing Lantern Parade, hihi.

Sino ang pinaka-una mong nakilala sa UP? 
Nag-workshop ako sa FA noon bago mag-first year--sina Sir Jamel pati ang ibang nasa VisCom. Yung mga nakasama ko na sa enrolment ay 'di ko na nakikita. Una kong nakilala na mga kaklase ko sa FA ay sina Lawrence, Kuya Jandy, Lou.

First play na napanood mo sa UP? 
Something with coral reefs. Nirequire kami sa Comm 3 na manood.

Saan ka madalas mag-lunch? 
Doon ako sa Latasia Fusion para vegetarian. Suki din ako sa Katag dahil mura doon.

Name the 5 most conyo orgs in UP.
UP CSA. o_o Uh, yun lang.

Name 5 of the coolest orgs/frats/soro in UP.
Philippine Collegian, Kontra-gapi, Alay Sining, Stand UP, Babaylan

May frat/soro bang nag-recruit sa yo?
Wala. Anong ibig sabihin nun? =O

Masaya ba sa UP? 
Oo. Walang makakakumpara.

Nakasama ka na ba sa rally? 
Hindi pa! Hindi pa nga ako nalalasing e. Ang inosente ko pa!

Ilang beses ka bumoto sa Student Council?
Omg. Never. 'Di ko pa nakikita ang kanilang magagawa para sa student body. 'Di ko nga nararamdaman ang kanilang presence. =O

Pinangarap mo rin bang mag-laude nung freshman ka?
Oo nga, who didn't?

Kanino ka pinaka-patay sa UP? 
Walang pinaka. Marami lang sila at hati-hati!

Kung di ka UP, anong school ka?
UST, art course din.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design Copyright © 2005 Remi Prevost Some rights reserved.